President Noynoy SONA | Videos And Full Transcript

Watch President Noynoy's SONA 2010


noynoy sona 2010 watch with full transcript

President Benigno Aquino III state of the nation address with full transcript.


My post entitled "Noynoy Aquino SONA 2010" had gained considerable visitors for this blog. So as a commitment for my visitors who are monitoring this event, I created this update post in regards to President Noynoy Aquino's state of the nation address held today, July 26, 2010.

Here's the videos I found on youtube.
I need to go to work so I myself also didn't watch the SONA on live tv much more to record it, credit to Dan C. Rivera for uploading these videos.









Here is the full transcript of the state of the nation address:


July 26, 2010
Batasan Pambansa Complex
Quezon City

Speaker Feliciano Belmonte; Senate President Juan Ponce Enrile; Vice President Jejomar C. Binay; Chief Justice Renato Corona; Former Presidents Fidel Valdez Ramos and Joseph Ejercito Estrada; members of the House of Representatives and the Senate; distinguished members of the diplomatic corps; my fellow workers in government;

Mga minamahal kong kababayan:

Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sangandaan.

Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Ang pagtanaw sa interes ng nakakarami; at pagkapit sa prinsipyo; at ang pagiging tapat sa sinumpaan nating tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito po ang tuwid na daan.

Sa kabilang banda ay ang pag-una sa pansariling interes. Ang pagpapaalipin sa pulitikal na konsiderasyon, at pagsasakripisyo ng kapakanan ng taumbayan. Ito po ang baluktot na daan.

Matagal pong naligaw ang pamahalaan sa daang baluktot. Araw-araw po, lalong lumilinaw sa akin ang lawak ng problemang ating namana. Damang-dama ko ang bigat ng aking responsibilidad.

Sa unang tatlong linggo ng aming panunungkulan, marami po kaming natuklasan. Nais ko pong ipahayag sa inyo ang iilan lamang sa mga namana nating suliranin at ang ginagawa naming hakbang para lutasin ang mga ito.

Sulyap lamang po ito; hindi pa ito ang lahat ng problemang haharapin natin. Inilihim at sadyang iniligaw ang sambayanan sa totoong kalagayan ng ating bansa.

Sa unang anim na buwan ng taon, mas malaki ang ginastos ng gobyerno kaysa sa pumasok na kita. Lalong lumaki ang deficit natin, na umakyat na sa 196.7 billion pesos. Sa target na kuleksyon, kinapos tayo ng 23.8 billion pesos; ang tinataya namang gastos, nalagpasan lang natin ng 45.1 billion pesos.

Ang budget po sa 2010 ay 1.54 trillion pesos.

Nasa isandaang bilyong piso o anim at kalahating porsyento na lang ng kabuuan ang malaya nating magagamit para sa nalalabing anim na buwan ng taong ito.

Halos isang porsyento na lang po ng kabuuang budget ang natitira para sa bawat buwan.

Saan naman po dinala ang pera?

Naglaan ng dalawang bilyong piso na Calamity Fund bilang paghahanda para sa mga kalamidad na hindi pa nangyayari. Napakaliit na nga ng pondong ito, ngunit kapapasok pa lang natin sa panahon ng baha at bagyo, 1.4 billion pesos o sitenta porsyento (70%) na ang nagastos.

Sa kabuuan ng 108 million pesos para sa lalawigan ng Pampanga, 105 million pesos nito ay napunta sa iisang distrito lamang.

Samantala, ang lalawigan ng Pangasinan na sinalanta ng Pepeng ay nakatanggap ng limang milyong piso (P5M) lamang para sa pinsalang idinulot ng bagyong Cosme, na nangyari noong 2008 pa.

Ibinigay po ang pondo ng Pampanga sa buwan ng eleksyon, pitong buwan pagkatapos ng Ondoy at Pepeng. Paano kung bumagyo bukas? Inubos na ang pondo nito para sa bagyong nangyari noong isang taon pa. Pagbabayaran ng kinabukasan ang kasakiman ng nakaraan.

Ganyan din po ang nangyari sa pondo ng MWSS. Kamakailan lamang, pumipila ang mga tao para lang makakuha ng tubig. Sa kabila nito, minabuti pa ng liderato ng MWSS na magbigay ng gantimpala sa sarili kahit hindi pa nababayaran ang pensyon ng mga retiradong empleyado.

Noong 2009, ang buong payroll ng MWSS ay 51.4 million pesos. Pero hindi lang naman po ito ang sahod nila; may mga additional allowances at benefits pa sila na aabot sa 160.1 million pesos.

Sa madaling sabi, nakatanggap sila ng 211.5 million pesos noong nakaraang taon.

Beinte-kuwatro porsyento (24%) lang nito ang normal na sahod, at sitenta’y sais porsyento ang dagdag.

Ang karaniwang manggagawa hanggang 13th month pay plus cash gift lang ang nakukuha.

Sa MWSS, aabot sa katumbas ng mahigit sa tatlumpung buwan ang sahod kasama na ang lahat ng mga bonuses at allowances na nakuha nila.

Mas matindi po ang natuklasan natin sa pasahod ng kanilang Board of Trustees. Tingnan po natin ang mga allowances na tinatanggap nila:

Umupo ka lang sa Board of Trustees at Board Committee meeting, katorse mil na. Aabot ng nobenta’y otso mil ito kada buwan. May grocery incentive pa sila na otsenta mil kada taon.

Hindi lang iyon: may mid-year bonus, productivity bonus, anniversary bonus, year-end bonus, at Financial Assistance. May Christmas bonus na, may Additional Christmas Package pa. Kada isa sa mga ito, nobenta’y otso mil.

Sa suma total po, aabot ang lahat ng dalawa’t kalahating milyong piso kada taon sa bawat miyembro ng Board maliban sa pakotse, technical assistance, at pautang. Uulitin ko po. Lahat ng ito ay ibinibigay nila sa kanilang mga sarili habang hindi pa nababayaran ang mga pensyon ng kanilang mga retirees.

Pati po ang La Mesa Watershed ay hindi nila pinatawad. Para magkaroon ng tamang supply ng tubig, kailangang alagaan ang mga watershed. Sa watershed, puno ang kailangan.

Pati po iyon na dapat puno ang nakatayo, tinayuan nila ng bahay para sa matataas na opisyal ng MWSS.

Hindi naman sila agad maaalis sa puwesto dahil kabilang sila sa mga Midnight Appointees ni dating Pangulong Arroyo.

Iniimbestigahan na natin ang lahat nang ito. Kung mayroon pa silang kahit kaunting hiya na natitira – sana kusa na lang silang magbitiw sa puwesto.

Pag-usapan naman po natin ang pondo para sa imprastruktura. Tumukoy ang DPWH ng dalawandaan apatnapu’t anim na priority safety projects na popondohan ng Motor Vehicle Users Charge. Mangangailangan po ito ng budget na 425 million pesos.

Ang pinondohan po, dalawampu’t walong proyekto lang. Kinalimutan po ang dalawandaan at labing walong proyekto at pinalitan ng pitumpung proyekto na wala naman sa plano. Ang hininging 425 million pesos, naging 480 million pesos pa, lumaki lalo dahil sa mga proyektong sa piling-piling mga benepisyaryo lang napunta.

Mga proyekto po itong walang saysay, hindi pinag-aralan at hindi pinaghandaan, kaya parang kabuteng sumusulpot.

Tapos na po ang panahon para dito. Sa administrasyon po natin, walang kota-kota, walang tongpats, ang pera ng taumbayan ay gagastusin para sa taumbayan lamang.

Meron pa po tayong natuklasan. Limang araw bago matapos ang termino ng nakaraang administrasyon, nagpautos silang maglabas ng 3.5 billion pesos para sa rehabilitasyon ng mga nasalanta nina Ondoy at Pepeng.

Walumpu’t anim na proyekto ang paglalaanan dapat nito na hindi na sana idadaan sa public bidding. Labingsiyam sa mga ito na nagkakahalaga ng 981 million pesos ang muntik nang makalusot. Hindi pa nailalabas ang Special Allotment Release Order ay pirmado na ang mga kontrata.

Buti na lang po ay natuklasan at pinigilan ito ni Secretary Rogelio Singson ng DPWH. Ngayon po ay dadaan na ang kabuuan ng 3.5 billion pesos sa tapat na bidding, at magagamit na ang pondo na ito sa pagbibigay ng lingap sa mga nawalan ng tahanan dahil kina Ondoy at Pepeng.

Pag-usapan naman natin ang nangyari sa NAPOCOR. Noong 2001 hanggang 2004, pinilit ng gobyerno ang NAPOCOR na magbenta ng kuryente nang palugi para hindi tumaas ang presyo. Tila ang dahilan: pinaghahandaan na nila ang eleksyon.

Dahil dito, noong 2004, sumagad ang pagkakabaon sa utang ng NAPOCOR. Napilitan ang pambansang gobyerno na sagutin ang dalawandaang bilyong pisong utang nito.

Ang inakala ng taumbayan na natipid nila sa kuryente ay binabayaran din natin mula sa kaban ng bayan. May gastos na tayo sa kuryente, binabayaran pa natin ang dagdag na pagkakautang ng gobyerno.

Kung naging matino ang pag-utang, sana’y nadagdagan ang ating kasiguruhan sa supply ng kuryente. Pero ang desisyon ay ibinatay sa maling pulitika, at hindi sa pangangailangan ng taumbayan. Ang taumbayan, matapos pinagsakripisyo ay lalo pang pinahihirapan.

Ganito rin po ang nangyari sa MRT. Sinubukan na namang bilhin ang ating pagmamahal. Pinilit ang operator na panatilihing mababa ang pamasahe.

Hindi tuloy nagampanan ang garantiyang ibinigay sa operator na mababawi nila ang kanilang puhunan. Dahil dito, inutusan ang Landbank at Development Bank of the Philippines na bilhin ang MRT.

Ang pera ng taumbayan, ipinagpalit sa isang naluluging operasyon.

Dumako naman po tayo sa pondo ng NFA.

Noong 2004: 117,000 metric tons ang pagkukulang ng supply ng Pilipinas. Ang binili nila, 900,000 metric tons. Kahit ulitin mo pa ng mahigit pitong beses ang pagkukulang, sobra pa rin ang binili nila.

Noong 2007: 589,000 metric tons ang pagkukulang ng supply sa Pilipinas. Ang binili nila, 1.827 million metric tons. Kahit ulitin mo pa ng mahigit tatlong beses ang pagkukulang, sobra na naman ang binili nila.

Ang masakit nito, dahil sobra-sobra ang binibili nila taun-taon, nabubulok lang pala sa mga kamalig ang bigas, kagaya ng nangyari noong 2008.

Hindi po ba krimen ito, na hinahayaan nilang mabulok ang bigas, sa kabila ng apat na milyong Pilipinong hindi kumakain ng tatlong beses sa isang araw?

Ang resulta nito, umabot na sa 171.6 billion pesos ang utang ng NFA noong Mayo ng taong ito.

Ang tinapon na ito, halos puwede na sanang pondohan ang mga sumusunod:

Ang budget ng buong Hudikatura, na 12.7 billion pesos sa taong ito.

Ang Conditional Cash Transfers para sa susunod na taon, na nagkakahalaga ng 29.6 billion pesos.

Ang lahat ng classroom na kailangan ng ating bansa, na nagkakahalaga ng 130 billion pesos.

Kasuklam-suklam ang kalakarang ito. Pera na, naging bato pa.

Narinig po ninyo kung paano nilustay ang kaban ng bayan. Ang malinaw po sa ngayon: ang anumang pagbabago ay magmumula sa pagsiguro natin na magwawakas na ang pagiging maluho at pagwawaldas.

Kaya nga po mula ngayon: ititigil na natin ang paglulustay sa salapi ng bayan.

Tatanggalin natin ang mga proyektong mali.

Ito po ang punto ng tinatawag nating zero-based approach sa ating budget. Ang naging kalakaran po, taun-taon ay inuulit lamang ang budget na puno ng tagas. Dadagdagan lang nang konti, puwede na.

Sa susunod na buwan ay maghahain tayo ng budget na kumikilala nang tama sa mga problema, at magtutuon din ng pansin sa tamang solusyon.

Ilan lang ito sa mga natuklasan nating problema. Heto naman po ang ilang halimbawa ng mga hakbang na ginagawa natin.

Nandiyan po ang kaso ng isang may-ari ng sanglaan. Bumili siya ng sasakyang tinatayang nasa dalawampu’t anim na milyong piso ang halaga.

Kung kaya mong bumili ng Lamborghini, bakit hindi mo kayang magbayad ng buwis?

Nasampahan na po ito ng kaso. Sa pangunguna nina Finance Secretary Cesar Purisima, Justice Secretary Leila de Lima, BIR Commissioner Kim Henares at Customs Commissioner Lito Alvarez, bawat linggo po ay may bago tayong kasong isinasampa kontra sa mga smuggler at sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Natukoy na rin po ang salarin sa mga kaso nina Francisco Baldomero, Jose Daguio at Miguel Belen, tatlo sa anim na insidente ng extralegal killings mula nang umupo tayo.

Singkuwenta porsyento po ng mga insidente ng extralegal killings na nangyari sa maikling taon ng ating panunungkulan ang patungo na sa kanilang resolusyon.

Ang natitira pong kalahati ay hindi natin tatantanan ang pag-usig hanggang makamit ang katarungan.

Pananagutin natin ang mga mamamatay-tao. Pananagutin din natin ang mga corrupt sa gobyerno.

Nagsimula nang mabuo ang ating Truth Commission, sa pangunguna ni dating Chief Justice Hilario Davide. Hahanapin natin ang katotohanan sa mga nangyari diumanong katiwalian noong nakaraang siyam na taon.

Sa loob ng linggong ito, pipirmahan ko ang kauna-unahang Executive Order na nagtatalaga sa pagbuo nitong Truth Commission.

Kung ang sagot sa kawalan ng katarungan ay pananagutan, ang sagot naman sa kakulangan natin sa pondo ay mga makabago at malikhaing paraan para tugunan ang mga pagkatagal-tagal nang problema.

Napakarami po ng ating pangangailangan: mula sa edukasyon, imprastruktura, pangkalusugan, pangangailangan ng militar at kapulisan, at marami pang iba. Hindi kakasya ang pondo para mapunan ang lahat ng ito.

Kahit gaano po kalaki ang kakulangan para mapunuan ang mga listahan ng ating pangangailangan, ganado pa rin ako dahil marami nang nagpakita ng panibagong interes at kumpyansa sa Pilipinas.

Ito ang magiging solusyon: mga Public-Private Partnerships. Kahit wala pa pong pirmahang nangyayari dito, masasabi kong maganda ang magiging bunga ng maraming usapin (ukol ditto).

May mga nagpakita na po ng interes, gustong magtayo ng expressway na mula Maynila, tatahak ng Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, hanggang sa dulo ng Cagayan Valley nang hindi gugugol ang estado kahit na po piso.

Sa larangan ng ating Sandatahang Lakas:

Mayroon po tayong 36,000 nautical miles na baybayin. Ang mayroon lamang tayo: tatlumpu’t dalawang barko. Itong mga barkong ito, panahon pa ni General MacArthur.

May nagmungkahi sa atin, ito ang proposisyon: uupahan po nila ang headquarters ng Navy sa Roxas Boulevard at ang Naval Station sa Fort Bonifacio.

Sagot po nila ang paglipat ng Navy Headquarters sa Camp Aguinaldo. Agaran, bibigyan tayo ng isandaang milyong dolyar. At dagdag pa sa lahat nang iyan, magsusubi pa sila sa atin ng kita mula sa mga negosyong itatayo nila sa uupahan nilang lupa.

Sa madali pong sabi: Makukuha natin ang kailangan natin, hindi tatayo gagastos, kikita pa tayo.

Marami na pong nag-alok at nagmungkahi sa atin, mula lokal hanggang dayuhang negosyante, na magpuno ng iba’t ibang pangangailangan.

Mula sa mga public-private partnerships na ito, lalago ang ating ekonomiya, at bawat Pilipino makikinabang. Napakaraming sektor na matutulungan nito.

Maipapatayo na po ang imprastrukturang kailangan natin para palaguin ang turismo.

Sa agrikultura, makapagtatayo na tayo ng mga grains terminals, refrigeration facilities, maayos na road networks at post-harvest facilities.

Kung maisasaayos natin ang ating food supply chain sa tulong ng pribadong sektor, sa halip na mag-angkat tayo ay maari na sana tayong mangarap na mag-supply sa pandaigdigang merkado.

Kung maitatayo ang minumungkahi sa ating mga railway system, bababa ang presyo ng bilihin. Mas mura, mas mabilis, mas maginhawa, at makakaiwas pa sa kotong cops at mga kumokotong na rebelde ang mga bumibiyahe.

Paalala lang po: una sa ating plataporma ang paglikha ng mga trabaho, at nanggagaling ang trabaho sa paglago ng industriya. Lalago lamang ang industriya kung gagawin nating mas malinis, mas mabilis, at mas maginhawa ang proseso para sa mga gustong magnegosyo.

Pabibilisin natin ang proseso ng mga proyektong sumasailalim sa Build-Operate-Transfer. Sa tulong ng lahat ng sangay ng gobyerno at ng mga mamamayan, pabababain natin sa anim na buwan ang proseso na noon ay inaabot ng taon kung hindi dekada.

May mga hakbang na rin pong sinisimulan ang DTI, sa pamumuno ni Secretary Gregory Domingo:

Ang walang-katapusang pabalik-balik sa proseso ng pagrehistro ng pangalan ng kumpanya, na kada dalaw ay umaabot ng apat hanggang walong oras, ibababa na natin sa labinlimang minuto.

Ang dating listahan ng tatlumpu’t anim na dokumento, ibababa natin sa anim. Ang dating walong pahinang application form, ibababa natin sa isang pahina.

Nananawagan ako sa ating mga LGUs. Habang naghahanap tayo ng paraan para gawing mas mabilis ang pagbubukas ng mga negosyo, pag-aralan din sana nila ang kanilang mga proseso. Kailangan itong gawing mas mabilis, at kailangan itong itugma sa mga sinisumulan nating reporma.

Negosyante, sundalo, rebelde, at karaniwang Pilipino, lahat po makikinabang dito. Basta po hindi dehado ang Pilipino, papasukin po natin lahat iyan.

Kailangan na po nating simulan ang pagtutulungan para makamit ito. Huwag nating pahirapan ang isa’t isa.

Parating na po ang panahon na hindi na natin kailangang mamili sa pagitan ng seguridad ng ating mamamayan o sa kinabukasan ng inyong mga anak.

Oras na maipatupad ang public-private partnerships na ito, mapopondohan ang mga serbisyong panlipunan, alinsunod sa ating plataporma.

Magkakapondo na po para maipatupad ang mga plano natin sa edukasyon.

Mapapalawak natin ang basic education cycle mula sa napakaikling sampung taon tungo sa global standard na labindalawang taon.

Madadagdagan natin ang mga classroom. Mapopondohan natin ang service contracting sa ilalim ng GASTPE.

Pati ang conditional cash transfers, na magbabawas ng pabigat sa bulsa ng mga pamilya, madadagdan na rin ng pondo.

Maipapatupad ang plano natin sa PhilHealth.

Una, tutukuyin natin ang tunay na bilang ng mga nangangailangan nito. Sa ngayon, hindi magkakatugma ang datos. Sabi ng PhilHealth sa isang bibig, walumpu’t pitong porsyento na raw ang merong coverage. Sa kabilang bibig naman, singkuwenta’y tres porsyento. Ayon naman sa National Statistics Office, tatlumpu’t walong porsyento ang may coverage.

Ngayon pa lang, kumikilos na si Secretary Dinky Soliman at ang DSWD upang ipatupad ang National Household Targetting System, na magtutukoy sa mga pamilyang higit na nagangailangan ng tulong. Tinatayang siyam na bilyon ang kailangan para mabigyan ng PhilHealth ang limang milyong pinakamaralitang pamilyang Pilipino.

Napakaganda po ng hinaharap natin. Kasama na po natin ang pribadong sektor, at kasama na rin natin ang League of Provinces, sa pangunguna nina Governor Alfonso Umali kasama sina Governor L-Ray Villafuerte at Governor Icot Petilla. Handa na pong makipagtulungan para makibahagi sa pagtustos ng mga gastusin. Alam ko rin pong hindi magpapahuli ang League of Cities sa pangunguna ni Mayor Oscar Rodriguez.

Kung ang mga gobyernong lokal ay nakikiramay na sa ating mga adhikain, ang Kongreso namang pinanggalingan ko, siguro naman maasahan ko din.

Nagpakitang-gilas na po ang gabinete sa pagtukoy ng ating mga problema at sa paglulunsad ng mga solusyon sa loob lamang ng tatlong linggo.

Nang bagyo pong Basyang, ang sabi sa atin ng mga may prangkisa sa kuryente, apat na araw na walang kuryente. Dahil sa mabilis na pagkilos ni Secretary Rene Almendras at ng Department of Energy, naibalik ang kuryente sa halos lahat sa loob lamang ng beinte-kwatro oras.

Ito pong sinasabing kakulangan sa tubig sa Metro Manila, kinilusan agad ni Secretary Rogelio Singson at ng DPWH. Hindi na siya naghintay ng utos, kaya nabawasan ang perwisyo.

Nakita na rin natin ang gilas ng mga hinirang nating makatulong sa Gabinete. Makatuwiran naman po sigurong umasa na hindi na sila padadaanin sa butas ng karayom para makumpirma ng Commission on Appointments. Kung mangyayari po ito, marami pa sa mga mahuhusay na Pilipino ang maeengganyong magsilbi sa gobyerno.

Sa lalong madaling panahon po, uupo na tayo sa LEDAC at pag-uusapan ang mga mahahalagang batas na kailangan nating ipasa. Makakaasa kayo na mananatiling bukas ang aking isipan, at ang ating ugnayan ay mananatiling tapat.

Isinusulong po natin ang Fiscal Responsibility Bill, kung saan hindi tayo magpapasa ng batas na mangangailangan ng pondo kung hindi pa natukoy ang panggagalingan nito. May 104.1 billion pesos tayong kailangan para pondohan ang mga batas na naipasa na, ngunit hindi maipatupad.

Kailangan din nating isaayos ang mga insentibong piskal na ibinigay noong nakaraan. Ngayong naghihigpit tayo ng sinturon, kailangang balikan kung alin sa mga ito ang dapat manatili at kung ano ang dapat nang itigil.

Huwag po tayong pumayag na magkaroon ng isa pang NBN-ZTE. Sa lokal man o dayuhan manggagaling ang pondo, dapat dumaan ito sa tamang proseso. Hinihingi ko po ang tulong ninyo upang amiyendahan ang ating Procurement Law.

Ayon po sa Saligang Batas, tungkulin ng estado ang siguruhing walang lamangan sa merkado. Bawal ang monopolya, bawal ang mga cartel na sasakal sa kumpetisyon. Kailangan po natin ng isang Anti-Trust Law na magbibigay-buhay sa mga prinsipyong ito. Ito ang magbibigay ng pagkakataon sa mga Small- at Medium-scale Enterprises na makilahok at tumulong sa paglago ng ating ekonomiya.

Ipasa na po natin ang National Land Use Bill.

Una rin pong naging batas ng Commonwealth ang National Defense Act, na ipinasa noon pang 1935. Kailangan nang palitan ito ng batas na tutugon sa pangangailangan ng pambansang seguridad sa kasalukuyan.

Nakikiusap po akong isulong ang Whistleblower’s Bill upang patuloy nang iwaksi ang kultura ng takot at pananahimik.

Palalakasin pa lalo ang Witness Protection Program. Alalahanin po natin na noong taong 2009 hanggang 2010, may nahatulan sa 95% ng mga kaso kung saan may witness na sumailalim sa programang ito.
Kailangang repasuhin ang ating mga batas. Nanawagan po akong umpisahan na ang rekodipikasyon ng ating mga batas, upang siguruhing magkakatugma sila at hindi salu-salungat.

Ito pong mga batas na ito ang batayan ng kaayusan, ngunit ang pundasyon ng lahat ng ginagawa natin ay ang prinsipyong wala tayong mararating kung walang kapayapaan at katahimikan.

Dalawa ang hinaharap nating suliranin sa usapin ng kapayapaan: ang situwasyon sa Mindanao, at ang patuloy na pag-aaklas ng CPP-NPA-NDF.

Tungkol sa situwasyon sa Mindanao: Hindi po nagbabago ang ating pananaw. Mararating lamang ang kapayapaan at katahimikan kung mag-uusap ang lahat ng apektado: Moro, Lumad, at Kristiyano. Inatasan na natin si Dean Marvic Leonen na mangasiwa sa ginagawa nating pakikipag-usap sa MILF.

Iiwasan natin ang mga pagkakamaling nangyari sa nakaraang administrasyon, kung saan binulaga na lang ang mga mamamayan ng Mindanao. Hindi tayo puwedeng magbulag-bulagan sa mga dudang may kulay ng pulitika ang proseso, at hindi ang kapakanan ng taumbayan ang tanging interes.

Kinikilala natin ang mga hakbang na ginagawa ng MILF sa pamamagitan ng pagdidisplina sa kanilang hanay. Inaasahan natin na muling magsisimula ang negosasyon pagkatapos ng Ramadan.

Tungkol naman po sa CPP-NPA-NDF: handa na ba kayong maglaan ng kongkretong mungkahi, sa halip na pawang batikos lamang?

Kung kapayapaan din ang hangad ninyo, handa po kami sa malawakang tigil-putukan. Kayo po ba ay handa na din? Mag-usap tayo.

Mahirap magsimula ang usapan habang mayroon pang amoy ng pulbura sa hangin. Nananawagan ako: huwag po natin hayaang masayang ang napakagandang pagkakataong ito upang magtipon sa ilalim ng iisang adhikain.

Kapayapaan at katahimikan po ang pundasyon ng kaunlaran. Habang nagpapatuloy ang barilan, patuloy din ang pagkakagapos natin sa kahirapan.

Dapat din po nating mabatid: ito ay panahon ng sakripisyo. At ang sakripisyong ito ay magiging puhunan para sa ating kinabukasan. Kaakibat ng ating mga karapatan at kalayaan ay ang tungkulin natin sa kapwa at sa bayan.

Inaasahan ko po ang ating mga kaibigan sa media, lalo na sa radyo at sa print, sa mga nagbablock-time, at sa community newspapers, kayo na po mismo ang magbantay sa inyong hanay.

Mabigyang-buhay sana ang mga batayang prinsipyo ng inyong bokasyon: ang magbigay-linaw sa mahahalagang isyu; ang maging patas at makatotohanan, at ang itaas ang antas ng pampublikong diskurso.

Tungkulin po ng bawat Pilipino na tutukan ang mga pinunong tayo rin naman ang nagluklok sa puwesto. Humakbang mula sa pakikialam tungo sa pakikilahok. Dahil ang nakikialam, walang-hanggan ang reklamo.

Ang nakikilahok, nakikibahagi sa solusyon.

Napakatagal na pong namamayani ang pananaw na ang susi sa asenso ay ang intindihin ang sarili kaysa intindihin ang kapwa. Malinaw po sa akin: paano tayo aasenso habang nilalamangan ang kapwa?

Ang hindi nabigyan ng pagkakataong mag-aral, paanong makakakuha ng trabaho? Kung walang trabaho, paanong magiging konsumer? Paanong mag-iimpok sa bangko?

Ngunit kung babaliktarin natin ang pananaw-kung iisipin nating “Dadagdagan ko ang kakayahan ng aking kapwa”-magbubunga po ito, at ang lahat ay magkakaroon ng pagkakataon.

Maganda na po ang nasimulan natin. At mas lalong maganda po ang mararating natin. Ngunit huwag nating kalimutan na mayroong mga nagnanasang hindi tayo magtagumpay. Dahil kapag hindi tayo
nagtagumpay, makakabalik na naman sila sa kapangyarihan, at sa pagsasamantala sa taumbayan.

Akin pong paniwala na Diyos at taumbayan ang nagdala sa ating kinalalagyan ngayon. Habang nakatutok tayo sa kapakanan ng ating kapwa, bendisyon at patnubay ay tiyak na maaasahan natin sa Poong Maykapal. At kapag nanalig tayo na ang kasangga natin ay ang Diyos, mayroon ba tayong hindi kakayanin?

Ang mandato nating nakuha sa huling eleksyon ay patunay na umaasa pa rin ang Pilipino sa pagbabago. Iba na talaga ang situwasyon. Puwede na muling mangarap. Tayo nang tumungo sa katuparan ng ating mga pinangarap.

Maraming salamat po.


96 comments :

  1. sana nga matulungan mo ang bawat isang pilipino.

    ReplyDelete
  2. NANINIWALA KAMI SAYONG KAKAYAHAN NOY SANA SA PAG UPO MO SA PINAKAMATAAS NA TRNO SANA WAG MO KAMING KALIMUTAN....WAG MO KAMING NAKAWAN....WAG MO KAMING PABABAYAAN...AT SANA MAALALA MO NA ANG PILIPINAS AY HINDI LANG SA IYO ....

    ReplyDelete
  3. sana noy hindi lahat ng sinabi mo ay scripted...ikaw na lang ang pag-asa naming kabataan....wag kang mangako noy gawin mo...ibig ko sanang mabasa mo ito dahil ito ang tinig ng kabataan...noy wag mong pababayaan ang iyong sarili at baka sa huli ikaw rin ay mag sisi....noy wag mo kaming pababayaan sana mabigyan mo kami ng importansya...kaming mga kabataan kahit bata alam namin ang tunay na pagmamahal at nakikita namin sa iyo ang pagmamahal sa bayan...wag kang MANGAKO...GAWIN mo... ikaw ang aming sandalan...

    ReplyDelete
  4. 'Pontius Pilates' will be popping like mushrooms soon blaming 'the system' when they themselves are part of it.. I hope that Philippines will move forward with the new president. I have so much faith with my fellow Filipinos..

    ReplyDelete
  5. NOY NOY NOY NOY NOY NOY! :)

    ReplyDelete
  6. wag tayong umsa lang kay noy dapat kumilos din tayo

    ReplyDelete
  7. Anonymous tama ka...nsa school murin aku...hanaoin mu aku...kailan ku ng kaibigan..hanapin mu lng ang batang TAHIMIK..pag aku na hanap...sasabhin ku...prng "anu,,..wla po aku sinabi"...kung nag respong aku ng ganun..sabhin mu lng.."OK LNG YAN"/...

    ReplyDelete
  8. good luck pres. noynoy sana ikw na nga ang mgbabago ng ating bansa. p-noy naniniwala ako sa kakayahan mo!!!!!!!!!!!



    -catherine alolor, 14

    ReplyDelete
  9. geez.. tnx for the copy of the sona...

    ReplyDelete
  10. @anonymous above -thanks, sana po makatulong sa mga may reaction paper.

    ReplyDelete
  11. napaka linaw.. bilyon bilyon ang nakukurakot nag mga pating!!! useless projects na hindi nkakatulong kundi nakadag2x sa problema!!

    ReplyDelete
  12. i dont know what he's talking about.hehe :)

    ReplyDelete
  13. Ang buong sambayanang Pilipino ay umaasa at nananalangin na sana matupad ang inyong mga pangako. Asahan nyo po ang aming suporta.

    ReplyDelete
  14. go noy.......
    NOY NOY!!!!!!!!!!!

    I TRUST IN YOU...........

    ReplyDelete
  15. mabuhay ka noy noy ikaw lang ang pag asa ng pilipinas na maiahon sa kahirapan.. god bless you

    ReplyDelete
  16. ikaw ang aming pag asa..... :)

    ReplyDelete
  17. sana masimulan na ang tunay na pagbabago.....

    ReplyDelete
  18. ang galing mo po sir...hindi po kami nagkamali sa pagluklok sa inyo...patuloy po namin kayong susuportahan...mabuhay po kayo sir....

    ReplyDelete
  19. where is the Agrarian Reform.?! how about the Hacienda Luisita.?
    asan ang mga pangako mo tungkol sa lupang dapat ay ipinamimigay mo.?

    ReplyDelete
  20. ..naniniwala ac0 sau mr.president..sana matupad lhat..
    ..thank u for saving our c0untry..god bless..

    ReplyDelete
  21. noy! mahal ka nila. . ..

    ReplyDelete
  22. p-noy sana lahat ng prblema ng ating bansa ay ung ma-solusyunan gayundin ung mga kababayan ntn n nsa ibang bansa..kw nlang ang pag-asa ng bansang pinas n mging maunlad at mapayapa..

    ReplyDelete
  23. haha natatawa lng ako sa inyo,. may ngwa n b tlga yng noynoy n yn?
    icpnin niyo muna bago kau humangga sa knya? sa anim na taon niya sa senado, wala man lng xiang bill na ngawa? bka puro salita lng yn? malalaman ntin yn 6years nmn xiang President eh,

    ReplyDelete
  24. bakit c gloria b may nagawa?, ay oo nga pala marami syang nagawang pagnanakaw, sa loob ng ilang taon nyang panunungkulan nag triple ang kayamanan nya. GOD BLESS US ALL FILIPINOS, AND MAY GOD FORGIVES lahat ng mga nagnakaw sa sarili nilang kababayan lalonglalo na sa mga mahihirap na tao.

    ReplyDelete
  25. san naman po mr p-noy ay makakahanap ka ng paraan para magkaroon ng trabaho ang mga mamayanang pilipino na wala trabaho hang gang ngayon.....lalo na yong mga nakakagradute sa taong ito...sayang naman ang aming mga pinag aralan hindi lang pala magagamit.....thanks and GOD BLESS YOU ALWAYS............

    ReplyDelete
  26. DONT PROMISE, BUT DO THE RIGHT THING FOR THE BETTERMENT OF OUR COUNTRY...

    ReplyDelete
  27. wag masyadong umasasa kanya,malay natin purolang mga salita!

    ReplyDelete
  28. to seeis tobelieve NOYNOY! anyway salamat kasi kelengan kocopy ng sons for reaction paper namin sa INTERNATIONAL BUSINESS.HEHEHE

    ReplyDelete
  29. kinikilabutan ako sa pakikinig ng mga salita moh,how i wish maging tagumpay mga promis mo.hehehe

    ReplyDelete
  30. I hope the mistakes from the past will not be done again Mr. President! We trust in you!

    ReplyDelete
  31. GO! GO! GO! ... hiihntayin nmin ang iyong pngako.. at sana matupad mo ito.. salmat sa oyo PNoy.. ^^_V






    xtiaN--

    ReplyDelete
  32. marami po ang madi-disappoint kapag tumulad ka sa kanila pNOY!
    sana po ikaw na nga!

    Glenda of bulacan - 18yrsold

    ReplyDelete
  33. god bless pres.noynoy!
    sana nga ikaw na ang makabago ng ating bansa. .

    ReplyDelete
  34. I hope matupad mo lahat ng mga sinabi mong pangako sa bansa natin. .
    nandito lg kami pra suportahan ka. .
    gO. .GO. .GO
    GODBLESS PRES.nOY2 AQUINO

    ReplyDelete
  35. i can say that we dont have to expect a high expectation in fast achievement in our nation'cause its not easy to do it with out footing any kind of agriculture in our society.. its not easy to be increased in just a month of serving in us of our pres.noy.. i do believe that someday he can do it step by step and we can be out of the dirt image of our nation...!

    ReplyDelete
  36. ANAK NG TINAPA, ANO DAW SABI NETO?

    ReplyDelete
  37. haha, sabaw na sabaw ung nag english.. woosh, pa-english english ka pa, wala namang sense yung sinabi mo. jusko lord, hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

    madaming tao ang bilib kay noynoy. pero naitanong na kaya nila sa mga sarili nila kung bakit sila bilib sa kanya? sige nga, ano na bang nagawa nia para sa mga pilipino para mamangha tayo sa kanya ng ganito? eh lamang pa sa kanya si lito lapid sa bilang nga mga batas na naipasa.

    ano na bang nagawa nia? nangako na idadaan niya tayo sa diretsong daan? maraming nang nagsabi niyan dati, gasgas na ang linyang yan. ni-recycle lang kaya nia yan. nanalo sa eleksyon? jusko naman, kung yan lang ang magiging basehan, e di sana lahat ng presidenteng naupo sa puwesto ay banal.

    hindi na ito high skul, mga friends. hindi na ito ang stage sa buhay na kahit qeber lang ang effort sa trabaho eh paniniwalan ka ng marami na magaling ka kung mag-ta-top one ka. hindi ito popularity contest, hindi ito padamihan at pasikatan ng kamag-anak. aminin nating lahat: kaya lang naman natin siya sinuportahan ay dahil sa pangalang dala niya. kumbaga sa elementary, top one siya kaxe sikat at makapangyarihan ang parents nia.

    nakakalungkot, na-bilib na kayo sa mga sinabi nia? eh kung ibahin kaya natin ng kaunti ang setup, paano kung si gloria ang nagSONA ng ganito... baka ang masabi ng karamihan ay puro reklamo lamang at walang basehang pangako ang mga nasabi nia. aminin natin sa ating mga sarili: nagpapabulag tayo ng bongang-bonga sa pangalan at "spotless" career ni noynoy.

    pero kung iisipin nating maiigi, kung titignan nating masinsinan ang mga sinabi nia... mapagtatanto nating dapat sampalin siya ng malakas para matauhan siya. hindi natin kelangan ng mga planong walang direksyon. kelangan natin ng konkretong mga paraan, mapanghahawakan, makukwenta. balak niyang ayusin ang budget deficit ng bansa - very good for him, and for us. pero pagkatapos nun, ano na? ilalagay ang pera sa edukasyon, imprastraktura, agrikultura, atbp., pero saan doon? anong mga plano ang gagawin? pano i-a-allocate ang budget? saang parte ng edukasyon magkakaroon ng pag-usad? saang parte ng pangangalakal? saan?

    puro siya imahe. pangarap. mga salitang hindi mapanghahawakan ng mga pilipino. he has bright plans, yes. but they seem too vague, too idealistic. para bang basahan na kung pigain eh puro hangin lang ang lalabas.

    andami niyang reklamo, pero parang wala naman siyang solusyong sinabi. kung kaya niyang isiwalat ang baho ng administrasyong nakaraan, dapat kayanin rin niyang magbigay ng mga direktang solusyon sa mga ito. may sinabi ba siyang konkretong hakbang laban sa MWSS? wala, iimbestigahan pa lamang. jusko naman, kuya Pres, iimbestigahan pa lang pala, bakit ganyan ka na kung makapagsalita? baka sa huli nian eh ikaw ang mapahiya.

    hindi ito larong kampihan. hindi natin ikinatutuwa ang mga ginawa ng nakaraan na administrasyon, ngunit sana naman ay wag tayong maging bulag sa mga kakulangan ng administrasyong papasok. wag sana tayong umasa sa bango ng pangalan, kundi sa tunay na kakayahan ng mga taong nakaupo. hindi naman ito palinisan ng dangal, mga kapatid. ito ay pulitika, talagang madumi. ang sakin lang, mas gugustuhin ko pang maging presidente ang isang trapong madami nang nagawang mabuti para sa bayan, kaysa brand new na basahan na hindi naman pala kayang sumipsip kahit man lang natapong tubig.

    ReplyDelete
  38. kya nga maxadong malabo..hehe
    well,,sana nga pres. noy may magawa kang pagbabago pra sa byan natin!!

    ReplyDelete
  39. go noy ipagpatuloy mo lang

    ReplyDelete
  40. Let's support the president. Hindi tayo dapat magmura, masakit 'yan. Instead, let's help him bring change and progress sa Philippines. Let's start from our very own selves...We'll pray for you Pnoy!...

    ReplyDelete
  41. @galeaya - thanks po for the comment. parang pang-isang article na yung comment mo sa haba, thanks for the effort, hope to see you here more often.

    ReplyDelete
  42. ANG HIRAP NG MGA FILIPINO AY LAGING UMAASA, SA TINGIN NYO BA MAGAGAWA NYA ANG LAHAT NANG MGA IPINAPANGAKU NYA KUNG WALA KAYU... COMMON PEOPLE OF THE PHILIPPINES LETS COOPERATE.... HINDI LANG DAPAT ANG PRESIDENTE ANG GUMAWA...DAPAT AY TAYO DIN... SIMULAN NAH ANG PAGBABAGO

    ReplyDelete
  43. Sana matulungan mo ang mga studyante n maka-trabaho pagkatapos nilang grumaduate

    ReplyDelete
  44. NANINIWALA AKO SAYO PRES. NOY '
    KAYA MO YAN KAYA NATIN YAN,,,KASAMA MO KAMI,,
    DAHIL DAPAT TAYONG LAHAT HINDI LANG IKAW TAYON,,,DAHIL TAYO AY MGA PILIPINO AT SAGOT NATIN ANG PILIPINAS,,KAYA MO YAN MINSAN NG KINAYA NG MGA MAGULANG MO KAYA NATING LAHAT YAN,,,SANA MAIAHON NATIN ANG PILIPINAS SA KONG ANO MERON SAY NGAYON,,,GO GO GO FIGHT PILIPINO'S....

    ReplyDelete
  45. puro salita.. wala namang nagawa.!

    let your work do the talking...

    ReplyDelete
  46. wag naman ganyan... kakasabi palang ng plano eh gawa agad gusto mo..
    ano gusto mo mag body language sya para di masabihang puro dada? LOL
    mag isip ka! laspag na yang litanya mo eh
    "puro salita.. wala namna nagawa!"

    manalig tyo!! sa magandang kinabuksan ng bansa..
    GO PHILIPPINES!!

    ReplyDelete
  47. GO NOYNOY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! |Sana |Hindi mu kami makalimutan!!!!!!!!!!!!! :PPPPPPPPPPPP






    Mr CycLoNe :D

    ReplyDelete
  48. GO NOYNOY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! WE BELIEVE IN YOU!!!!!!!!!!!!! :D

    ReplyDelete
  49. go noynoy, WAG MONG SAYANGIN ANG BOTO NAMIN. . !!!


    BARNSKIIPOT:)

    ReplyDelete
  50. Your Right Mr CycLoNe!! We will Support you P-Noy!!! We Believe in you!!!!!!! :D





    The CycLoNe

    ReplyDelete
  51. Whats Done Is Done........
    So Please Help Us.......
    We Need Your Help......




    CycLoNe MaStEr

    ReplyDelete
  52. we Filipino people will support wd ol our might... GB and TC... Heal the country and make it a better place...4 u and 4 us, and the entire filipino race...Practice what you preach.. walk what you talk.. Onward, onward P-Noy.. Keep on sailing.. weeeeee.....mwahhugszx! :* xoxoxo

    PS:

    wag kang kurakot.. we trust in your ability..para mapagaan ang aming buhay.. Oh yeah men!!

    --Schitzophreniatics-

    ReplyDelete
  53. To Schitzophreniatics...

    haha...TAMA!!! kelangan talagang kantahin ang Heal d World ??? hahaha!!! anyways, sana nga good person xa... hindi lng sa simula... OH YEAH...

    -ganbateru:))) anata wa watashi tachi no idoru..

    -goodluck!
    ---claustrophobic---

    ReplyDelete
  54. To Cyclone Master and cyclone...

    I know isang tao kalang.. hahaha..
    What kind of screen name is that??..
    Don't u have anything better than that???
    Say something worth reading...

    PEACE lang RALPH JASON VILLANUEVA...
    .heeheeheehee.

    ReplyDelete
  55. haha...BALOS lang rALPH... LA Q "L" haha... Aaaarrr... bleeeeehh!!!!! imention aqng name, duh!!!

    ReplyDelete
  56. To Ralph...

    -I feel sorry for you... You make me SICK!!!!-
    -go back where u came from...-

    _CCSS_

    ReplyDelete
  57. ME??? looking for a fight??? hah!!! U'r d one who started using 2 names even if ur just 1 person... hmpf... LOSER!!! FREAK ka kc... WEIRDO.

    ReplyDelete
  58. Loser?????? You I think!!!!!!!!!!! |JEJEMON !!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  59. To Noynoy,

    Sorry for the disturbing comments posted in this site...its just dat someone is very Annoying...

    ReplyDelete
  60. JEJEMON!!!!!!!!!!! hahays............ |Foolish Words !!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  61. This is admin nhoel.
    please refrain from picking fight here or your comments will be deleted.
    this article is intended to help and not to distract visitors.
    pakiusap lang po.

    ReplyDelete
  62. ANG HABA NG COMMENT????
    SUMAKIT LANG ANG ULO KO...AJEJEJE
    I THINK YOU ARE ANTI-NOY

    ReplyDelete
  63. galeaya



    ndi kami humahanga kay Pnoy
    its just that nakakita kami ng hope
    tama
    wala pa siyang nagagawa
    haller
    kakaupo lang kaya niya

    ReplyDelete
  64. Ako po isang 3rd year student ...
    Ako po ay umaasa na ANG PILIPINAS, AT ANG MGA PILIPINO NA NASA PILIPINAS AY UMUNLAD, HINDE MAGING MANGMANG, IGNORANTE, MAHIRAP, HAMBOG, DISIPLINADO, MAASAHAN, MAGALANG, AT MAGING MASAYA... SA IYONG PAMUMUNO P-NOY...

    ReplyDelete
  65. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  66. sinu ba ung mga dumalong kongreso ?

    ReplyDelete
  67. Normal lang na may mga mapanuring mata sa ating bagong presidente. :)
    Go Pnoy. Kaya mu yan. Kung dati hindi ako naniniwala sa kapasidad mo, ngayon ako'y isang tagahanga mo.

    To galeaya,

    Naku, wag kang hot na hot. Naiintindihan ko ang pagiging negatibo mu sa kanya. Pero sana, buksan mo din ang iyong isipan. Puro siya imahe, salita, pangarap, atbp. I-aallocate ang pondo sa ganto, ganyan, and then paano na? Hindi man lng sinabi kung paano gagawin? Hindi ba't limitado lamang ang kanyang oras upang maisagawa ang kanyang talumpati? Hindi na niya tungkulin na bigyan diin ang lahat ng mga para-paraan na iyan. Ang mahalaga, masabi lahat. Hindi ako naghahanap ng away o anu man. Nais ko lng iparating ang gusto kong sabihin. Peace. :P

    --xynah

    ReplyDelete
  68. hahaha,,,sablay,.,,bobong pesidente,,hahaha
    san b nyo npulot to??
    haha...pumapalakpak kau...no kwenta,,hahaha

    ReplyDelete
  69. magcomment nga po kau ng english na reaction nio..nakakanozebleed e..pls.pls.

    -III-B PNHS

    ReplyDelete
  70. sana mapatupad agad ang mga sinabi ni PNoy... Go..go...

    ReplyDelete
  71. sa totoo lang, first time ko mag-comment sa ganitong usapin. ang dahilan: dahil isa rin akong Pinoy at matagal na ring umaasa sa pagbabago.
    ilang bansa na ba ang nauna sa atin dahil sa korupsyon at maling pamamalakad ng mga taong pinagkatiwalaan natin ngunit puro lamang pala salita at pangako? pagkatapos nating iluklok sa puwesto eh salapi ang naging diyos? ilang pilipino ang kinailangang iwan ang kanilang mga anak upang maghanapbuhay sa ibang bansa para lamang maitaguyod ang kanilang mga pamilya? ilang kababaihan ang napilitang piliin ang madilim na daan sa kawalan ng pag-asa at hangaring magkaroon ng kabuluhan ang kanilang mga buhay? ilang kabataan ang di nakapag-aral at namatay na lamang dahil sa malnutrisyon? ilang pilipino na ang naging biktima ng buktot na hustisya? alam ko marami pang maidadagdag ang marami sa inyo sa mga katanungang ito. paano nga naman makakakilos ang mga taong wala na ngang makain eh patuloy pang pinagnanakawan? paano makakausad ang bansang Pilipinas kung kapwa Pilipino eh naglalamangan? tapusin na natin ang ating pagbubulag-bulagan, pagbibingi-bingihan, at pagpapagamit sa mga taong walang inisip kundi ang kanilang ikabubuti. panahon na para makilahok tayo sa pagbabagong ating inaasam. kung sa panahon ng ating kamatayan eh hindi natin mabigyan ng mana ang ating mga anak o magiging mga anak,ang ating pagiging isang matuwid na mamamayan ang kanilang magiging gabay at lakas sa pagharap sa mga dagok ng buhay.

    PILIPINO: MANANATILI KA NA LAMANG BANG GANITO? MINAMALIIT, NIYUYURAKAN AT TINATAWANAN? NGAYON MO IPAKITA ANG IYONG WORLD CLASS NA GALING BILANG ISANG MATUWID NA MAMAMAYAN. KUNG MAHAL MO ANG BANSA MO, MAKILAHOK KA SA PAGBABAGONG HINDI LAMANG ANG NASA KAPANGYARIHAN ANG NAKIKINABANG. HINDI LAMANG PARA SA SARILI MO KUNDI SA DARATING PANG MGA HENERASYON. MAGTIWALA KA SA MGA PINUNONG INILUKLOK MO AT PAG WALANG NANGYARI, MAY KARAPATAN KANG ISIGAW ANG IYONG SALOOBIN. WAG KANG MATAKOT, ANG POONG MAYKAPAL ANG IYONG GABAY.
    SIMULAN MO NA P-NOY. NGAYON NA!!!
    MABUHAY ANG PILIPINO AT BANSANG PILIPINAS!

    ReplyDelete
  72. Bakit??? Base sa mga sinasabi nyo.. Puro kayo umaasa kay NOY..

    Andyan naman ang mga sarili nyo.. na dapat kau din.. gawin nyo ang dapat nyong gawin..

    2lad ng sabi ni noy.. KAILANGAN niya TAU..

    nag papsalamat ako kht d ako Botante karamihan siya ang binoto..
    at bilang isang estudyante and2 kami bilang mga taga sunod mo..

    Mga kabataan walang taong bobo.. Matutong Umintindi tau..

    ReplyDelete
  73. we trust you p-noy as we choose you to becamo our leader but make sure youll do it.more power!

    ReplyDelete
  74. hmmmfmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm

    ReplyDelete
  75. sana nga di lang puro pangako yan pNoy... but i think ikaw na po talaga nag aahon sa ating bayan....kaya dapat if we want changes, lets start it with ourselves...

    -- THE BIG CHANGE HAS COME --

    -rondina of makati-

    ReplyDelete
  76. Don't worry Pnoy...We r here 2 support u and to help u......for the goodness of our nation!!!!

    GO!!!! Pnoy...

    ReplyDelete
  77. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  78. RALLY RALLY RALLY

    ReplyDelete
  79. WALA KAYONG GALANG

    ReplyDelete
  80. can i ask po ..
    alin ba dito ang anout sa moral situation??
    project kasi nmin ..
    sana may sumagot :)

    ReplyDelete
  81. REPOST :

    can i ask po ..
    alin ba dito ang about sa moral situation??
    project kasi nmin ..
    sana may sumagot :)

    ReplyDelete
  82. noy wag kang pabakla-bakla marami ang umaasa sau baka

    ReplyDelete
  83. very well done said Mr.President..

    hmmm.. SONA SONA SONA..
    kasama pa talaga sa project sa school..
    haayyy...
    sana guminhawa na ang bansang pilipinas...

    from sti caloocan student..♥

    ReplyDelete
  84. ibinoto kita kasi naniniwala ako sayo sana matulungan mo ang aking bayan na puno ng paghihirap...........

    ReplyDelete
  85. ..good luck Noy...i hope diz tym...maranasan n namin ang totoong tagumpay para s bayan...i trust you...maraming kabataan ngaun ang nd nkaranas o makaranas man lang n makapag aral...sana magawan moh rin po ng paraan yan...


    ..sa lahat ng pagod ng maniwala s mga pangakong binitawan ng mga nagdaang Pangulo...wag po sana tayong mawalan ng pag-asa dahil nd lahat ng tao..Pare-pareho...walang perpektong tao...s halip n batikusin natin ang namamahala s bansa...tulungan natin siya para ikakabuti ng bansa natin...tayo lang mamamayan ang tanging makakatulong nya s pag unlad...

    ...Mr.President GOD is ALWAYS BE WITH YOU...GOOD LUCK po..

    ReplyDelete
  86. ..sobra namang makapanlait ang ibang nagcomment dito...bakit...kung sakali bang IKAW ang tatayong president...makakaasa b ang mamamayan ng mabilisang PAG-unlad???..masasabi moh b s sarili moh n MATALINO KAH???..don't judge him...kc nd moh p xa kilala ng lubos....pano tayo uunlad nyan eh nagsisimula p nga lang sya s pamumuno...pinupulaan nyo n n akala nyo mas magaling p kau s kanya...nakakahiya naman...!!!


    ...batikos kau ng batikos...pag dating ng kalamidad...s kanya din kau aasa...

    ..sya n ngaun ang ama natin...kung ganyan kau s kanya ngaun...para nyo n ring sinabi to your own father that " I HATE YOU DAD!!! "..see...

    ..try to give him a chance to prove that he can make it...just TRUST him...

    ...KUNG IKAW PINUPULAAN MO SYA NA BOBO at WALANG ALAM...BAKIT HINDI MOH SUBUKANG MAGPRESIDENT....baka nga naman MATALINO kah..


    ..kung matalino k nga naman at walang DISKARTE...wala ring mangyayari sayo...un ang BOBO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  87. bawat Pilipino may kanya-kanyang responsibilidad s bayan....
    hindi lang kay pres Noy nkasalalay...nakasalalay sau...skin...stin lahat!!!!!!!!!!
    kaya pag ngawa un ng tama siyuradong aasenso ang bansang Pilipinas...

    ReplyDelete
  88. watever u say guys..jaz let him do his own thing!

    ReplyDelete
  89. after reading all the comments in this article, i could say there are a lot of people that's wishing for a positive change in our country.. however i could also see a trend of leaving everything to the president? don't we also have a role in this?

    just my 2 cents..Ü

    -daj

    ReplyDelete
  90. mejo natuwa nadin ako sa sona..ang ganda talaga ng idea na build operate and transfer..bibilis talaga ang pagtayo ng infrastructures sa pamamaraan na yun..

    at totoo yun..dapat hindi lang tayo maniwala kay Noynoy..maniwala tayo sa mga sarili natin..basta't sama sama tayong naniniwala sa ating mga pangarap at patuloy nating gagawin ang lahat para makamit ang pangarap na yun, sure na uunlad ang Pilipinas!

    ReplyDelete